Araw ng Wika ipinagbunyi

Ipinagbunyi ng mga mag-aaral at mga guro ng mga asignaturang Filipino noong ika-17 ng Agosto ang Araw ng Wika na may temang “Filipino: Wika ng Kaunlaran”.

Nagdaos ng isang maikling programa kung saan ipinakita ng mga mag-aaral ang pagmamahal sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga katutubong awit, sayaw, at maging ang pagsuot ng mga damit na Filipiniana.

Nagkaroon din ng patimpalak sa pagdidisenyo sa mga mesang pampiging na pinuspos ng mga kabataan ng mga katutubong pagkain na siya naman nilang pinagsaluhan pagdating ng tanghalian.

Binigyang diin sa Araw ng Wika na ang Filipino ay wika ng kaularan sa kultura, ekonomiya, lipunan, at teknolohiya kaya’t marapat lamang na ituro ito sa paraang komunikatibo na magagamit ng mga kabataan sa araw-araw na pakikipag-ugnayan.

Ang Filipino ay wikang buhay na patuloy na lumalago at dapat ipaunawa sa mga kabataan ang kagandahan at katuturan nito.

isuzu cikarang isuzu cikarang bekasi jakarta isuzu giga isuzu giga isuzu giga isuzu elf isuzu panther Dealer Isuzu Bekasi Cibitung Cikarang isuzu elf isuzu giga elf sparepart isuzu kredit isuzu harga isuzu promo isuzu dealer isuzu isuzu isuzu mobil isuzu bekasi isuzu online isuzu kita promo isuzu promo isuzu isuzu giga isuzu panther isuzu elf paket umroh Resep Masakan Resep Masakan